Download WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON.docx and more Thesis Engineering in PDF only on Docsity!
WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
Ng mga taong mag-aaral ng Senior High School
Isang pamanahong papel na iniharap sa kaguruan ng departamento ng wika, kagawaran ng Pilipino
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Assignaturang Komunikasyon sa pananaliksik sa wika at kulturan Pilipino.
Ng STEM 6 Oktobre 14, 2016
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ng paksang “Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon” ay taos
pusong ipininaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon
at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.
Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:
- Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportanhan
sa aming mga pangangailangan.
- Kay Bb. Jennilyn M. Cabanero, ang aming matyagang guro na sumusuporta at
nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming
asignatura.
- Sa aming mga respondentes na nagbigay sa amin ng impormasyon na aming
kinakailangan sa pananaliksik na ito.
- sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol
sa aming pananaliksik.
- At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga
pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
Panimula............................ 1
Layunin ng Pag-aaral.......................... 2
Kahalagahan ng Pananaliksik.................... 3
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
PANIMULA
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng
mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at
nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang
pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo
ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang
salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng
mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang
mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang
paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na
karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.
Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng
bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at
ekonomiya.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng Arellano University ng Senior high school sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:
1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?
2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang
Filipino?
3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?
4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?
6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan?
7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? 8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika? 9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? 10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?
DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO
Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod
na salita ay binigyang kahulugan:
- Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
- Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit ng Filipino
noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog gayundin
ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong ginagamit sa
kasalukuyang panahon.
- Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang
area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon
ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
- Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika
ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o
salitang kalye.
KABANATA II
LITERATURA
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag
na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do
they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo
ng Wikang Pambansa.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa.
Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device
(LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their
brains------basic rules which are similar across all languages.
Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang
Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na
naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok
at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa
wika.
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika
raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang Sarvey. Aming tinangkang ilarawan at suriin ay isaliksik ang kaalaman ng mga mag-aral sa senior high school ng Arellano University tungkol sa aming paksa.
B. RESPONDANTE
Ang aming napiling respondante ay ang mga kabataan “ Senior HighSchool Student” na nag-aaral sa Arellano University. Sila ang aming napili kasi gusto namin na malaman ang kanilang kaalaman tungkol sa aming paksa. Ang bilang ng respondante ay Dalawampu (20).
C. MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK
Ang sarbey kwesyuner ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral ng Senior high school na nag aaral sa Arellano University. Para aming lalong malaman at masukat ang kaalaman ng aming kapwa mag-aaral sa Arellano University. Sa paraan ng paghahanap at pagpapasagot sa aming ginawang sarvey kwesyuner.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pagtally ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik upang maibuod ang
mga datos ng pag-aaral
7
Arellano University
Pangalan:____________________________ Baitang at Pangkat:___________ Petsa:___________
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling sagot.
- Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?
Oo Hindi
- Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi
- Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi
- Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi
- Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika? Oo Hindi
- Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi
- Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? Oo Hindi
- Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno? Oo Hindi
- Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? Oo Hindi
- Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? Oo Hindi
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral sa Senior high School na nagaaral sa Arellano University tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pa-unlad ng ekonomiya.
Ipinapakita sa Grap 1 na Labingwalo (18) ang sang-ayon at Dalawa (2) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?
Ipinapakita sa Grap 7 na Labing-Pito(17) ang sang-ayon at Tatlo (3) naman ang di sangayon. KATANUNGAN: Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?
Ipinapakita sa Grap 8 na Labing-walo (18) ang sang-ayon at Dalawa(2) naman ang di sangayon. KATANUNGAN: Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno?
Ipinapakita sa Grap 9 na Labing-walo (18) ang sang-ayon at Dalawa(2) naman ang di sangayon. KATANUNGAN: Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?
Ipinapakita sa Grap 10 na Labing-pito (17) ang sang-ayon at Tatlo(3) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
I.LAGOM
Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong panahon. Dalawampung respondante ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod:
1. Karamihan sa mga 20 respondente 16 ay naniniwala na teknolohiya ang
pinakaunang factor sa pagbabago ng wika. At para sa kanila sa
Ekonomiya mas respondante epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng
wikang Filipino.
2. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit
kailangan umunlad ang wikang Filipino
II. KONKLUSYON
Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.
1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit
kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino.
2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad sa ating wika.
APENDIKS E
SARBEY- KWESTYUNER
Mahal naming respondante,
Maalab na pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral ng STEM-6 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon ng Arellano University.
Kaugnay nito inihanda namin ang kwestyunerna ito upang makatanggap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.
Kung gayon mangyari po lamang na sagutan na sagutan nang buong karapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang iyong mga kasagutan.
Maraming Salamat po!
-Mga Mananaliksik.