



































































Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Ito ay tungkol sa mga karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
Typology: Lecture notes
1 / 75
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
KARAHASAN SA PAARALAN Inihanda ni: Bb. Rochelle B. Evangelista Guro I
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: (^) 14.1 Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan ( EsP8IPIVc-14.1) (^) 14.2 Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan ( EsP8IPIVc-14. (^) 14.3 Naipaliliwanag na: ( EsP8IPIVd-14.3) Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang tao). May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito. (^) 14.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan ( EsP8IPIVd-14.4) KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon. Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!” “Umiiwas ang Boy Scout sa away.” “Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata ay maliit kaysa
Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo sa pampang ng ilog. Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang sisingab- singab. Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa pagkawit at pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang kamay. Ikinaway niya ang kanan sa paglangoy. Ang dalawa’y dinala ng mabilis na agos. Malayo sila sa pampang subalit sa katagala’y nakaahon.
Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng gang na ang bata palang sinagip ni Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad, “Maraming salamat sa iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na ang katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob!”
Napansin mo ba ang pagkakaiba ng dalawang larawan? Sa larawan sa kaliwa, mababakas mo ang kaniyang saya habang naglalakad papunta sa paaralan. Imahe ng isang mag-aaral na naniniwalang may naghihintay sa kaniyang bago at masasayang mga karanasan sa paaralan. Ang nasa kanan naman, mababakas ang lungkot na wari ba ay kung bibigyan ng pagkakataon, mas nanaisin na huwag na lang
Ano ba ang imahe ng paaralan para sa iyo?
Ano kaya ang dahilan ng ilang mga mag-aaral na hindi masaya sa paaralan?
Ano ang Paaralan? Ang paaralan ay isang institusyon para sa pagtuturo sa mga mag- aaral sa ilalim ng paggabay ng isang guro. Mas malalim pa rito mailalarawan ang paaralan bilang isa sa institusyon na humahasa sa isang indibidwal sa pakikipagkapwa. Dito mas naging malawak ang mundong ginagalawan ng isang bata labas sa kanilang tahanan at dito nagsisimulang makitungo ang isang bata sa mga taong hindi niya kadugo
Kaya nga natalakay sa nagdaang mga aralin ang kahalagahan ng paghahanda ng pamilya sa mga bata sa pakikipagkapwa. Kailangan ng isang bata ang kakayahang ito upang makayanan niya anuman ang hamon na kaniyang haharapin sa paaralan, lalo na sa mas malawak na lipunan.
Sa isinagawang survey ng Plan Philippines noong 2008 sa 2,442 mga bata sa 58 pampublikong paaralan sa bansa lumabas na karamihan sa mga karahasan na nararanasan ng mga mag- aaral sa paaralan ay dulot ng kanilang kapwa kabataan. Ano nga ba karahasan sa paaralan? Ayon sa National Criminal Justice Reference Service ng Estados Unidos, ang karahasan sa paaralan ay anumang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapwa mag-aaral o anumang kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa - pagdarahas ng tao,