

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
werewrwerwerw rew rwerwer werwer ewrwe rwe r
Typology: Thesis
1 / 3
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Kabanata II
Mga Kaugnay na literatura at pag-aaral
Sa bahaging ito matatagpuan ang iba’t ibang literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na
ito.
Mga kaugnay na literatura
Wika sa likod ng teknolohiya.” Ayon sa ulat ni Fidel R. Jimenez,(December 2015) GMA News,
sinasabing may mga salitang naibaon na sa limot, may ‘di na mauunawaan ng karamihan, may
umuusbong, may bumabalik ngunit may iba ng pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan,
sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa
ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang
kanilang katayuan. Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya, at mga bagong paraan ng
komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang
salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.
Ang isang titulo ay mas nagiging kaaya-aya kung ito ay makakatawag-pansin sa makakabasa nito. Nais naming gawing simple ang titulo ng adbokasiyang ito upang hindi magbigay kalituhan sa mambabasa. Naisip namin ang titulong “Wika sa likod ng teknolohiya sapagkat nais naming bigyang-pansin ang mga suliraning nagaganap sa pagbabago ng ating wika, gayundin ang mga wikang umusbong sa pamamagitan ng teknolohiya at madalas gamitin ng mga mag-aaral ngayon.
Ang paksang ito ay tumatalakay sa masama at mabuting epekto ng teknolohiya sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral. Ang mga halimbawa ay aming nasaliksik upang maging patunay na totoong malaki ang nagiging epekto ng teknolohiya sa ating mga mag-aaral at sa lahat ng gumagamit nito. Una ay ang pagteteks. Ang wika at pagteteks ay dalawang bagay na madalas na ginagamit at pinagsasama ng mga kabataan ngayon. Ang pagteteks ay inimbento upang padaliin ang komunikasyon ng mga tao sa isa’t-isa kahit pa nasa dalawang magkalayong lugar sila. Ngunit sa halip na makatulong ay mukhang maraming masamang naidudulot ito lalo na sa larangan ng pagsulat. Madalas ay nakakalimutan na nila ang tunay na pagbaybay sa ibang mga salita, ingles man o filipino, dahil nasanay na sila sa paggamit nito sa paraan ng pagteteks. Nangangamba na ang mga guro na dahil sa pagteteks ay lalo pang humina ang mga estudyante pagdating sa larangan ng pagsulat at lalong lumiit ang kanilang kaalaman ukol dito. Ngunit kung gagamitin lamang daw natin ng may disiplina ang pagteteks ay magagawa pa din nating irespeto ang ating wika. Ang isa pang halimbawa ay ang paggamit ng “blog.” Hindi natin maikakaila na ang Internet ay isang penomena na naging kaakibat ng isang makabagong kultura.
Mulasa pinaiksing web log, ang blog ay isang online journal kung saan ang isang manggagamit (tinatawag din na blogger) ay malayang magsulat ng kahit anong ninanais niya tungkol sa mga bagay-bagay na nasa kanyang mga alapaap ng karanasan. Nasasalamin ng mga iba’t-ibang uri ng blog ang mga katangian ng mga kabataang Pilipino. Hindi lang ito nagiging isang uri ng komunikasyon kung hindi pag-a-arkibo ng iba’t-ibang uri ng mga pangyayari at iba pang kultural na kaganapan. Nagiging mas mahalaga ang papel ng mga kabataan kahit sa labas ng akademiya at ng kanilang paaralan.
Nais naming ipabatid at ipamulat sa lahat, lalo na sa mga kabataang Pilipino na malaki ang papel na ating ginagampanan sa pag-unlad ng wika. Ang pagnanais na maging iba o makatuklas ng mga bagong salita ay hindi magiging hadlang sa pagpapa-unlad ng wikang pambansa kung ito ay gagamitin ng may respeto at disiplina upang hindi makasira o masira ang ating wika. Gamitin natin ang teknolohiya sa pagpapayabong ng wika dahil sa huli, tayo rin naman ang makikinabang. Sa pagsulat ng adbokasiyang ito, mithiin namin na maging instrumento sa pagkamulat ng lahat na iisa lang ang ating wika, at iisa lang ang nais nito, ang tayo ay magkabuklod-buklod bilang mga Pilipino.
Nais ng adbokasiyang ito na ipabatid ang katanungang, “Paano nga ba masasabi na ika’y isang tunay na Pilipino?” Marahil naitanong mo na rin ito sa sarili mo. Ngunit tulad ng karamihan ay hindi mo rin batid ang sagot. Kapag patuloy tayong nabago at napasailalam ng modernong teknolohiya, may posibilidad na maaaring mawala na ng tuluyan ang ating iniingatang yaman at kultura dahil na rin sa ating kagagawan. Naisip namin ang paksang ito sapagkat nais namin na mabawasan o maiwasang mangyari ang mga isyung tulad ng “cyber bullying” na kadalasan ay humahantong sa pagkamatay ng isang tao dahil sa matinding depresyon, ang mga naitalang aksidente kaugnay ang mga motorista na nagteteks habang nagmamaneho ng sasakyan, at ang isa pa ay ang paggamit ng mga masasamang loob ng teknolohiya sa karahasan.
Sa huli ang tanging layunin ng paksang ito ay ang imulat tayo na hindi pa huli para isalba ang ating wika sa unti-unting pagkawala nito. Dapat nating patuloy na paunlarin ang ating wika upang sa gayon ay makamit natin ang layunin nito sa ating mga Filipino. Sinasabi na kung tutuusin, hindi naman daw dapat ikabahala ang mga pagbabagong teknolohikal na ito sapagkat maaari rin itong magamit sa pagpapayabong ng wika. Magbago man ang bokabolaryo ng mga Pinoy sa paglipas ng panahon, maluma man ang salita dahil may bagong umusbong, patunay lamang ito na buhay na buhay at masigla ang ating wika.
Isa pang layunin ng adbokasiyang ito ay upang magsilbing kaliwanagan sa lahat na tayo ay pinagbubuklod ng iisang wika at ito ay dapat nating pagyamanin. Hindi dapat ipagwalang- bahala ang mga pangyayaring nagaganap sangkot ang teknolohiya dahil tayo ay may kakayahang pigilin ito. Ang huli ay upang magbigay ng karagdagang kaalaman para sa ika- uunlad ng ating wika, at pagiging payapa at nagkakaisang mga Pilipino.
Ang blog ay isang online journal na sumasalamin sa mga karanasan at opinyon ng isang blogger. Ito ang nagsisilbing paraan upang maipahayag ng isang manggagamit(blogger) ang kanyang mga saloobin ukol sa isang paksa.Gamit ang blog, nais namin na gumawa ng isang survey upang humingi ng opinyon ng iba’t-
ibang tao ukol sa epekto ng teknolohiya sa wika. Dito natin malalaman kung masama ba o mabuti ang naidudulot ng teknolohiya patungkol dito at kung paano ito naging instrumento sa pag-usbong ng bagong wika. Sa madaling sabi, lahat ng aming makakalap na impormasyon ay aming idodokumentaryo at ilalagay sa aming blog.
Sa ngayon, dito sa aming konseptong papel ay naglagay kami ng mga larawan. Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng madalas na kinahihinatnan ng mga taong madalas gumamit ng kompyuter o cellphone. Nagiging sanhi ito ng pagkasira ng buhay ng isang tao. Masakit man isipin ngunit maari pa natin itong mabago. Gamitin natin ng may disiplina aBagamat mayroon tayong nalalaman hinggil sa pagpapa-unlad ng wika, wala rin tayong lakas ng loob na ipahayag ang mga ito. Marahil ay dahil may mga pagkakataon na tayo rin mismo ay hindi nagpapahalaga