Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Modyul sa Ikaapat na Markahan ng Noli Me Tangere, Study notes of English Language

Ang modyul na ito ay naglalayong matulungan ang mag-aaral upang masuri ang kalagayang panlipunan noon at maiugnay sa kasalukuyan

Typology: Study notes

2020/2021

Uploaded on 10/19/2021

maria-myrma-manalang
maria-myrma-manalang 🇵🇭

3

(2)

4 documents

1 / 19

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
FILIPINO 9: IKAAPAT NA MARKAHAN
I. Layunin:
a. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat nito, pag-isa-isa sa mga
kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito at pagpapatunay sa pag-iral
pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino.
(F9PN-Iva-b-56)
b. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat
ang akda. (F9PB-Iva-b-56)
c. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng :
pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa,
kayamanan, kahirapan at iba pa. (F9PB-IVg-h-60)
II. Paglinang:
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilang isang mahaba at kathang
salaysay ng mga pangyayaring pinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto.
Sa kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-
unlad ng katauhan ng isang karakter. Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela
ang mga pagkamulat—pagbabagong mabuti o masama— ng tauhang bayani. Ang
pagkamulat ay laging isang proseso ng pagharap sa mga pagsubok, pagkakatukoy at
pagharap sa pinakasuliranin, at pananagumpay (kung ipinahihintulot).
Ang nobelang Noli Me Tangere ay maihahanay sa ganitong uri ng salaysayin
sapagkat masasaksihan sa nobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sa
kabuktutan ng kolonyal na pananakop, na noong una’y panananaligan pa niya sa
1
Unang Linggo
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13

Partial preview of the text

Download Modyul sa Ikaapat na Markahan ng Noli Me Tangere and more Study notes English Language in PDF only on Docsity!

I. Layunin:

a. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:

pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat nito, pag-isa-isa sa mga

kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito at pagpapatunay sa pag-iral

pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino.

(F9PN-Iva-b-56)

b. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat

ang akda. (F9PB-Iva-b-56)

c. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng :

pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa,

kayamanan, kahirapan at iba pa. (F9PB-IVg-h-60)

II. Paglinang:

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilang isang mahaba at kathang

salaysay ng mga pangyayaring pinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto.

Sa kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-

unlad ng katauhan ng isang karakter. Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela

ang mga pagkamulat—pagbabagong mabuti o masama— ng tauhang bayani. Ang

pagkamulat ay laging isang proseso ng pagharap sa mga pagsubok, pagkakatukoy at

pagharap sa pinakasuliranin, at pananagumpay (kung ipinahihintulot).

Ang nobelang Noli Me Tangere ay maihahanay sa ganitong uri ng salaysayin

sapagkat masasaksihan sa nobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sa

kabuktutan ng kolonyal na pananakop, na noong una’y panananaligan pa niya sa

Unang Linggo

mithing kilalanin ang Pilipinas bilang ganap na bahagi ng Espanya. Isang kakatwang

katotohanan ang pagbasa natin sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng salin. Hindi

natin binabasa ang nobela sa orihinal nitong wika sapagkat iilan lamang sa atin ngayon

ang may kakayahang bumasa ng Espanyol. Ngunit minahalaga itong nobela dahil sa

Batas Rizal noong 1956. Ang batas na ito na kilala bilang Republic Act 1425 ay

naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga paaralan ang pagpapahalaga sa

pambansang bayani. Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa

madla ng kaniyang dalawang nobela. Dahil dito, nagkaroon ng malaking espasyo sa

pagpapasalin ng nobela upang mapalawak ang mambabasa nito.

Matagal nang pinagpaplanuhan ni Rizal ang nobela at natapos lamang niya ito

noong 1886 sa Berlin, sampung taon bago sumiklab ang rebolusyon. Ipinagbawal ang

pagbabasa at pagmamay-ari ng nobela nang makarating ito sa Pilipinas ilang buwan

matapos mailathala. Hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyento ng

nobela, bukod pa sa mga “makabago” at “banyaga” nitong adhikaing nasagap ni Rizal

at ng kaniyang mga kapanalig sa kilusang Propaganda. Ito rin ang itinuturing na dahilan

ng kaniyang pagkakabitay sa Bagumbayan noong Disyembre 31, 1896.

Sa simula ng nobela, magandang pagpukulan ng pansin ang siniping epigrape ni

Rizal, maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni

Shakespeare” ng manunulat na Aleman na si Freidrich von Schiller. Mahalaga ang

tanong na iniiwan nitong epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal

sa kaniyang nobela: “Ngunit ang tanong ko, Kaibigan,/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa

ganitong mga Hamak? Anong/ Kadakilaan ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?” Sa

kaniyang paghahandog naman, inilalarawan niya na ang “nakasulat sa kasaysayan ng

pagdaralita ng sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya

nagpupuyos sa galit munting dimasaling at nanggigising ng matatalim na kirot.”

Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong dinaranas din

ng bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata ang

lamig at pangungulila: “nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at

hinahanap ang pinakamabuting paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga

sinaunang tao na naglalantad ng mga maysakit sa “baitang ng templo, upang

makapangmungkahi ng lunas ang sinumang dumating na mananawagan sa Bathala.”

Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang

kalagayan ng bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng

imahen ng lambong na “tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang

mga pagdurusa ng kaniyang bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela,

mamamalas ang ganitong pagtatanghal ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng

iilan sa mga sangay ng lipunan.

Hango mula sa internet:

https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-2/Supplemental%20Filipino%20High

%20School%20Grade%209%204rth%20Q.pdf?fbclid=IwAR0Fn6lzctwVI4ct-d6R4PeLRF2Z-

s5SCvviwTTHvQ56Y6HdR68OkWFLt

nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo

13-17. Ang bahaging ito bibliya ay nagsalaysay sa araw ng

“Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo

kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria

Magdalena: “Huwag mo akong salingin, dahil hindi ko

nakasasama ang aking Ama sa langit.”(Ang ibig sabihin ng

Noli Me Tangere sa ingles ay “Touch me not” na katumbas sa

Filipino ng “Huwag mo akong salingin”

Marso 21, 1887 Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko

sa wikang Kastila.

Mayo 5, 1887 Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor

ang novela at inihambing pa sa Uncle Tom’s Cabin at Don

Quixote ng Espanya.

*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at

natatanging katangian.

Hango mula sa internet:

https://www.academia.edu/31082556/Kaligirang_Kasaysayan_ng_Noli_Me_Tangere

Gawain Bilang 1

Panuto: Gamit ang teksto ukol sa kaligirang pangkasaysayan ng akda,

sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

  1. Ibigay ang kahulugan ng Noli Me Tangere.
  2. Saan hinango ni Rizal ang pamagat na Noli Me Tangere?
  3. Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng “Noli Me Tangere”?
  4. Isa-isahin ang mga kondisyong/sitwasyong kinahaharap ng

Pilipinas sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere?

  1. Sa iyong palagay, umiiral pa rin ba ang mga kondisyong ito sa

kasalukuyan? Patunayan sa pagbibigay ng

halimbawa/kasalukuyang isyu o nagaganap sa bansa.

Mga Tauhan ng Noli Me Tangere:

Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra , ay isang binatang nag-

aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang

kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Clara

Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara , ay ang mayuming kasintahan ni

Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba

kay Padre Damaso.

Padre Damaso

Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso , ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng

ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama

ni Maria Clara.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago , ay isang mangangalakal na tiga-

Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias

Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang

kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio

Si Narcisa o Sisa , ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang

pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at

tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasio

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio , ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong

na mamamayan ng San Diego.

Donya Victorina

 Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina , ay isang babaing

nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at

maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil

nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya.

Ibang Tauhan

Padre Salvi o Bernardo Salvi – kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim

na pagtatangi kay Maria Clara.

Gawain Bilang 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na kabanata ng Noli Me

Tangere. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan/ Gawain upang

matamo ang pagkatuto.

Bilang

ng

kabanat

a

Pamagat ng Kabanata Mga katanungan na dapat sagutin.

1 Ang Piging 1. Ano ang pagtingin ng mga Kastila sa mga

Indio?

2 Ang Binatang si

Crisostomo

  1. Bakit itinatwa ni Padre Damaso ang ama ni

Crisistomo?

3 Ang Hapunan 3. Sino ang naging kagalit ng ama ni

Crisostomo na nagparatang dito na erehe at

pilibustero?

4 Ang Erehe at Pilibustero

5 Ang Tala at Karimlan

6 Kapitan Tiago 4. Ano ang kulang sa matagumpay na

pagsasama nina Kapitan Tiago at Pia Alba?

7 Suyuan sa Asotea 5. Ano ang iniwang alaala ni Ibarra at Maria

Clara sa isa’t isa?

8 Mga Gunita 6. Anong ginto ang kailangan ng bayan natin?

Bakit ito ang kailangan?

  1. Ano –ano ang mga tagubilin ng pari kay

Ibarra? Isa-isahin ang mga ito.

9 Mga bagay-bagay tungkol

sa bayan

10 Ang Bayan ng San Diego 8. Bakit sinasabing hindi makapangyarihan si

Don Rafael Ibarra sa kabila ng siya ang

pinakamayaman sa bayan ng San Diego?

11 Ang mga

Makapangyarihan

12 Todos los Santos 9. Sino ang tinutukoy na kurang malaki at sino

ang ipinahukay nitong bangkay?

13 Ang Badya ng Unos 10. Bakit itinuturing ng mga taong nag-aral na

isang henyo si Pilosopo Tasyo sa kabila ng

paratang ng mga hindi nakapag-aral na siya ay

isang baliw?

14 Pilosopo Tasyo

15 Ang mga Sakristan 11. Ilarawan si Sisa bilang isang ina at asawa?

Ilarawan din sina Basilio at Crispin bilang mga

anak?

16 Sisa

Gawain Bilang 3

Noli Me Tangere: Kabanata 1-

16

Pagbasa

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag mula sa mga piling kabanata

ng Noli Me Tangere. Sikaping nagtataglay ito 3 o higit pang pangungusap. (

puntos)

  1. Ang kaginhawahan at kahirapan ng isang bayan ay kaugnay ng

kanilang kalayaan at kagipitan. – Crisostomo Ibarra (Kabanata 3)

  1. Ang karunungan ay para sa mga may puso lamang. – gurong pari ni

Ibarra (Kabanata 8)

III. Inaasahang Produkto

Panuto: Pumili ng isang editorial cartoon na maiuugnay sa kalagayan n

gating bansa sa panahong isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at magbigay

ng opinion ukol dito. Gupitin ang napiling editorial cartoon at idikit sa papel

kalakip ng opinion ukol sa paksa. Sikaping nagtataglay ito ng 3 talata. ( 100

puntos)

a. West Philippine Sea

b. Kahirapan

______3. kinahinatnan c. gamit ng nagsesermon tulad

ng pari

______4. kabesa d. bumungad

______5. dampa e. kaanib

______6. inimbitahan f. pumanaw

______7. kawaksi g. kinahantungan

______8. hinalughog h. matalinong tao

______9. pilosopo i. bahay na maliit

______10. pulpito j. inanyayahan

GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

  1. Ano ang nangyari kay Basilio at ano ang ipinakiusap niya sa kanyang ina?

(Kabanata 17: Basilio)

  1. Sino ang bangkay na hinukay ng tagapaglibing? Bakit niya hinukay ang labi ng

namatay? (Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa)

  1. Bakit hindi magkasundo ang dalawang partido ng bayan ng San Diego?

Nangyayari pa rin ba ang ganitong sitwasyon sa mga pulong ng bayan sa ating

bansa? (Kabanata 20: Pulong sa Tribunal)

  1. Sa iyong palagay, sino o ano kaya ang itinuturing na dilim sa kabanatang

“Liwanag at Dilim” Sino o anu-ano naman kaya ang tinutukoy na liwanag?

(Kabanata 22: Liwanag at Dilim)

  1. Sino ang tulisang hinahanap ng mga guwardya sibil? Bakit pinaratangan siyang

masamang tao? (Kabanata 24: Sa Gubat)

  1. Ano ang sadya ni Crisostomo Ibarra kay Pilosopong Tasyo?

(Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pantas)

  1. Bakit lubhang marangya ang ginagawang paghahanda ni Kapitan Tiyago para sa

nalalapit na pista? Tama ba ang kanyang pagnanais na malampasan o

mahigitan ang mga handa ng mayayaman sa kanilang lugar?

(Kabanata 26: Bisperas ng Pista)

  1. Ano ang nilalaman ng unang at ikalwang liham? Bakit kaya idinaan ni Rizal sa

sulat ang paglalarawan ng pagdiriwang ng pista ng San Diego?

(Kabanata 28: Mga Liham)

  1. Ikaw, ano ba ang ginagawa mo kapag ikaw ay nasa loob ng simbahan at

nakikinig sa salita ng Diyos? Ano ang dinadala nito sa iyong buhay?

(Kabanata 31: Ang Sermon)

  1. Kung ikaw si Ibarra, itutuloy mo pa ba ang planong pagpapatayo ng paaralan sa

kabila ng mga pagbabantang panganib na nangyari sa iyong buhay?

Pangatwiranan ang sagot. (Kabanata 32: Ang Panghugos)

GAWAIN 3: Pagsulat (10 puntos)

Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag mula sa kabanata ng Noli Me Tangere (tatlo

hanggang limang pangungusap)

  1. Ginoo, ang mga anak ko’y hindi magnanakaw kahit sila’y magutom, wika ng

lumuluhang babae. “Sana’y kaming magutom. Ni isang pera’y walang ibinigay sa

akin si Basilio. Halughugin ninyo ang bahay. Pag may makita kayo’y gawin ninyo

ang gusto nyo. Hindi magnanakaw ang lahat ng mahihirap.”

(Kabanata 21: Ang Kasaysayan ng Isang Ina)

  1. “Kung ayaw ninyong mabasa ng iba ay bakit pa ninyo sinusulat?” Sinusulat ko ito

hindi para sa henerasyong ito kundi para sa mga susunod na salinlahi. Pero ang

henerasyong makauunawa ng aking mga simbolo ay henerasyong matalino,

mauunawaan nila ako at sasabihing ‘Hindi naman pala lahat ay natutulog sa gabi

ng aking mga ninuno! (Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pantas)

III. INAASAHANG PRODUKTO (100 PUNTOS)

Panuto: Bumuo ng isang masusing paghahambing ng mga katangian ng ina noon na

masasalamin sa katauhan ni Sisa at ng katangian ng ina sa kasalukuyan batay sa iyong

napanood na teleserye o pelikula. Gawin ito sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Magtala ng tatlo hanggang limang pagkakaiba at pagkakatulad.

  1. Paano mo ihahambing ang iyong ina kay Sisa?.

Sa iyong palagay, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang ina

upang siya ay masabing mabuti at ulirang ina?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

I. Layunin

a. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.

( F9PT-Iva-b-56)

b. Naipapaliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na

nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano. (F9PB-IVe-f-59)

II. Paglinang

Gawain 1: Talasalitaan (10 puntos)

A. bumaba B. naguguluhan C. mapintasan D. pinariringgan E. natahimik

F. kalaban ng gobyerno G. pinaghahanap H. umiyak I. pag-insulto J. kabiguan

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit

nito sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot.

  1. Alam kong kayo’y pinag-uusig pero wala akong planong magsuplong.
  2. Nanatiling walang kibo si Crisostomo kahit na pinasasaringan ni Padre Damaso.
  3. Nagbabayad lamang siya ng utang, panunuyang pahayag ng isang lalaki

patungkol kay Padre Damaso.

  1. Labis na nanangis si Maria Clara nang sabihin ng ama na ipinag-utos ni Padre

Damaso na sirain ang kasunduan ng kasal nila ni Crisostomo.

Ikatlong Linggo

Noli Me Tangere: Kabanata 33-

Pagbasa

  1. Bagamat nagugulumihanan, sumang-ayon ang alkalde san ais ng Kapitan

Heneral.

  1. Nadarama ni Crisostomo ang kasiphayuan sa tinig ni Maria Clara habang ito ay

umaawit.

  1. Pinagbawalan ng alperes na lumabas ng bahay ang asawang si Donya

Consolacion dahil baka mapulaan lamang ito.

  1. Sa nangyayaring kaguluhan sa liwasan agad pumanaog ng kumbento si Padre

Salvi dahil sa pag-aalala kay Mari Clara

  1. Naumid ang dila ni Crisostomo nang makitang magkasama sa balkonahe sina

Maria Clara at Linares.

  1. Tinawag ng mga prayle si Crisostomo na isang pilibustero.

Gawain 2: Pag-unawa (10 puntos)

Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa mga Kabanata 33 hanggang 48.

  1. Sa Kabanata 34, ano ang sinabi ni Padre Damaso na labis na ikinagalit ni

Crisostomo Ibarra?

  1. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga ina sa bayan ng San Diego sa ginawa ni

Crisostomo kay Padre Damaso na mababasa sa Kabanata 35?

  1. Ano ang sinabi ni Kapitan Tiago na labis na nagpaluha kay Maria Clara sa

Kabanata 36?

  1. Sa Kabanata 37, ano ang dahilan at labis na humanga ang Kapitan Heneral kay

Crisostomo Ibarra?

  1. Bakit ikinakahiya ng alperes ang asawang si Donya Consolacion?
  2. Sa paanong paraan nagpakita nang labis nap ag-aalala si Padre Salvi kay Maria

Clara matapos magkaroon ng kaguluhan sa liwasan sa Kabanata 40?

  1. Paano ninyo ilalarawan si Donya Victorina na ipinakilala sa Kabanata 42?
  2. Ano ang paniniwala ni Kapoitan Tiyago para bumili ang paggaling ng anak na si

Maria Clara sa Kabanata 44?

  1. Sa Kabanata 45, ano ang natuklasan mo tungkol sa tunay na pagkato ni Elias?
  2. Ano ang nagging saloobin ni Crisostomo nang makitang magkasama sina Maria

Clara at Linares sa balkonahe?

Gawain 3: Pagsulat (10 puntos)

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pahayag mula sa mga kabanata ng

Noli Me Tangere. (Tatlo hanggang limang pangugusap.)

A. “Lahat po tayo ay may kaaway, Ginoo. Mula sa pinakamaliit na kulisap

hanggang sa taong may pag-iisip. Mula sa pinakadukha hanggang sa

pinakamayaman at makapangyarihan. Ito po ang batas ng buhay.” (Elias,

Kabanata 33)

B. “Naniniwala po akong hindi na kailangan ng sulat pagkakakilala upang

kilalanin ninyo ang kahit sino.” (Crisostomo Ibarra. Kabanata 37)

Paliwanag: Paliwanag:

I. Layunin

a. Nagagamit ang pang-uri sa pagbibigay katangian. (F9WG-IVc-59)

b. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring

naganap sa buhay ng tauhan. (F9PN-IVd-58)

larawan larawan

Ikaapat na Linggo

c. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng :

pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa,

kayamanan, kahirapan at iba pa. (F9PB-IVg-h-60)

II. Paglinang

Gawain 1

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng malalim na salita na

nasa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

______1. baybayin a. mabaho

______2. nagkanulo b. itinanggi

______3. nagsasalimbayan c. narinig

______4. nakasusulasok d. paroo’t parito

______5. itinatwa e. lumuha

______6. ipinagbunyi f. operasyon

______7. naulinigan g. nalungkot

______8. nanangis h. pampang

______9. pagtistis i. ipinagdiwang

______10. nanlumo j. nagsumbong

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na kabanata ng Noli Me

Tangere. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan/ Gawain upang

matamo ang pagkatuto.

Bilang

ng

kabanat

a

Pamagat ng Kabanata Mga katanungan na dapat sagutin.

Pagbasa

Noli Me Tangere: Kabanata 49-

Mga katangian: Mga Katangian:

Larawan

Larawan