




Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Lesson plan in Filipino about The Legend of Pineapple
Typology: Study notes
Limited-time offer
Uploaded on 09/24/2021
4.6
(10)6 documents
1 / 8
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
On special offer
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5 I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. nakikilala ang mga tauhan sa kwento;
B. nagagawa ng bawat pangkat nang mag-aaral ang mga pangkatang gawain; at C. naisasabuhay ang mga magagandang aral na natutunan sa alamat. II. PAKSANG-ARALIN: PAKSA: “Ang Alamat ng Pinya” KAGAMITAN: laptop, LCD Screen, SANGGUNIAN: Boots S. Agbayani Pastor; Gary Autencio; Jose Manuel Dolom Mga Klasikong Alamat, pp. 32- III. PAMAMARAAN: Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral Panalangin, pagtsetsek ng attendance, pagsasaayos ng silid- aralan a. Panimula
- Pangganyak (Magpapakita ng larawan ang guro.) Mga bata anong klaseng prutas ang nakikita niyo sa larawan? Tama! Sino sa inyo ang kumakain ng Pinya? Kung gayon, ano ang masasabi niyo sa anyo ng pinya? Pwede niyo ba itong ilarawan? Tumpak! Kakaiba ang hitsura nito ‘di ba, ngunit katakam-takam pa ring kainin. Sa inyong palagay bakit kaya Pinya ang tawag sa prutas na ito? Bakit kaya waring marami itong mata?Alam niyo ba ang dahilan mga bata? Pag-aalis ng Sagabal Sa mapapangkinggan nating kwento mamaya, malalaman natin kung bakit. Pero bago ang lahat, bibigyang kahulugan muna natin ang mga talasalitaan sa alamat, upang mas maintindihan niyong mabuti ang ating aralin ngayong araw. Gagamitin ko sa pangungusap ang Pinya po, Titser. Kami po, Titser. Bilog po ang hugis nito, mahaba at tila matinik ang mga dahon at ang katawan po ay maraming itim na bilog na kung tawagin natin ay mata po, Titser. Hindi po, titser.
Lahat ng inyong nabanggit ay magandang katangian ni Aling Rosa. Si Pinang anu-ano ang mga katangian niya? Opo magaling! Si Pinang ay tamad sa gawaing bahay, matigas ang ulo at hindi rin niya sinusunod ang kaniyang ina. Sa tinigin niniyo, mabuti ba ang mga katangiang meron siya? Kung hindi, ano ang ginagawa ni aling Rosa para magsipag si Pinang? Magaling! Dahil sa kagustuhan niya na lumaki si Pinang na masipag at masunuring bata tinuturuan niya si Pinang ng mga gawaing bahay. Ngunit mga bata , nakikinig ba at ginagawa ni Pinang ang mga itinutuuro ng kaniyang ina? Bakit? Nagalit ba si Aling Rosa? Bakit po hindi? Tama! Inunawa na lamang ni Aling Rosa ang kaniyang anak dahil mahal na mahal niya ito. Noong nagkasakit si aling Rosa ano ang ini-utos niya kay Pinang? Tama! Malugod ba itong sinunod ni Pinang? Tama! Napilitan lang siyang gawin ang iniutos ng kaniyang nanay, ano ang lagi niyang ginagawa tuwing may kailangan siya sa pagluluto? Tumpak! Dahil tinatamad maghanap si Pinang laging nagtatanong sa kaniyang ina kung nasaan ang mga bagay-bagay na kakailanganin niya sa pagluluto kahit madali lang naman itong makita. Noong tanong nang tanong si Pinang ano ang naging reaksyon ni Aling Rosa? Mahusay! Hindi po. Tinuturuan niya si Pinang ng mga gawaing bahay, titser. Hindi po. Dahil tinatamad po siya. Hindi po, titser. Dahil mag-isa lang pong anak si Pinang at mahal na mahal niya ito, titser. Inutusan niya itong magluto ng kanilang kakainin, titser. Hindi po titser, napilitan lang po siyang gawin ito, Titser. Pumupunta siya sa kaniyang ina at laging nagtatanong kung nasaan ang mga bagay bagay na kakailanganin niya sa pagluluto kahit madali lamang itong makita titser. Nagalit po siya at nasabihan niya si Pinang na sana’y magkaroon siya ng maraming mata upang mahanap nito ang lahat ng bagay na kaniyang tinatanong. Tumahimik at umalis siya para hanapin ang kaniyang tinatanong po,
Dahil may sakit si aling Rosa, nagalit ito sa kaniyang anak dahil tila bibig lang ang ginagamit ni Pinang sa paghahanap ng gamit kaya niya nasabihan si Pinang na sana magkaroon siya ng maraming mata. Noong nagalit ang kaniyang ina ano ang ginawa ni Pinang? Tama! Nang dumating ang hapon at hinanap siya ng kaniyang ina, nandoon parin ba si Pinang sa loob ng kanilang bahay? Noong hindi makita ni Aling Rosa si Pinang sa kanilang loob ng bahay anong ginawa niya? Kung ganoon, ano lang ang natagpuan ni Aling Rosa sa kanilang bakuran? Magaling! Noong hinanap ni Aling Rosa si Pinang ang tanging tsinelas na lamang niya at ang katabi nitong kakaibang halaman ang nakita nito. Ano ang itsura ng halaman? Pwede niyo ba itong ilarawan? Tama! Ano ang naalala ni Aling Rosa nang makita niya ang halaman? Magaling! Naalala niya ang sinabi niya kay Pinang kaya siya naging malungkot na nagkatotoo ang mga ito. Ano ang ginawa ni Aling Rosa sa halaman? Mahusay! Inalagaan niya ito at tinawag niya itong Pinang bilang ala-ala niya kaniyang anak. Ngunit nang lumipas ng maraming taon ano na ang itinawag sa halaman? Tumpak! Dahil sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya. Ngayon mga bata alam niyo na ang dahilan kung bakit tinawag na Pinya ang “Pinya”. Titser. Wala na po , Titser. Hinanap niya si Pinang sa labas ng kanilang bahay ngunit wala pa rin si Pinang doon, titser. Ang tsinelas ni Pinang katabi ang kakaibang halaman na biglang tumubo sa kanilang bakuran. Ito’y ay bilog at pahaba na parang ulo ng tao at napapaligiran ito ng maraming mata, titser. Noong nakita ni aling Rosa ang halaman naalala niya ang sinabi nya sa kaniyang anak na sana dumami ang kaniyang mata para makita nito ang kaniyang hinahanap po, Titser. Inalagaang mabuti ni aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang ala-ala sa kaniyang anak, titser. Pinya po titser. Sinusunod ko kaagad ang mga utos ng mga magulang ko, Titser.
sa kanyang edad, siya ay palaging umaasa sa kanyang ina at napakatamad nito. Dahil dito, sinabihan siya ng kaniyang ina na magkaroon ng maraming mata dahil parang bibig lang ang ginagamit niya sa paghahanap ng mga bagay. Dahil dito, naging halaman at nagkaroon ng maraming mata ang bata ang siya’y tinawag na Pinang at pagkalipas ng maraming taon dahil sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya. Bilang isang anak, ano ang ginagagawa niyo kapag inuutusan kayo ng inyong mga magulang? Minsan ba ay naging tulad kayo ni Pinang? Maaaring ganun nga tayo minsan dahil tayo ay mga bata pa, ngunit mga bata dapat lagi nating tandaan na dapat tayo ay maging masunurin upang maipakita natin ang pagrespeto at pagmamahal natin sa kanila. f. Pagpapahalaga Mula sa kwentong napakinggan, anong gintong aral ang iyong natutunan sa araling ito? Magaling! Dapat tayo ay maging masipag, mabuti at dapat laging makinig sa ating mga magulang.. Dahil alam ng magulang natin kung ano ang makakabuti para sa atin. At laging tandaan na ang batang laging sumusunod sa magulang ay mahal ng Diyos. At Kapag may hinahanap naman tayong bagay na kailangan natin huwag labi ang ating gamitin kundi ang ating mga mata. Hanapin nating mabuti bago sabihin na hindi mo nakita ang iyong hinahanap. Maliwanag mga bata? Opo titser, kapag may inuutos sa akin ay minsan nagbibingi-bingihan ako at hindi sila sinusunod. (Maaaring iba-iba ang mga kasagutan ng mga bata.) Mula po sa kwentong aking napakinggan, ang gintong aral na ipinapahiwatig sa kwentong ito ay dapat tayong maging masunurin at huwag maging tamad sa ating magulang. Gumamit ng mga mata at hindi bibig sa paghahanap ng mga bagay. Opo, tister. IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot bago ang bilang. ______1. Si Pinang ay laging sumusunod sa kaniyang ina kapag siya ay inuutusan. ______2. Matiisin at mapagmahal na ina si Aling Rosa. ______3. Ang pagiging masunurin sa magulang ay nagpapakita ng pagmamahal at respeto. ______4. Ang unang tawag sa prutas na pinya ay “Pinang”. ______5. Matigas ang ulo ni Pinang at tamad sa gawaing bahay. ______6. Kusang ipinagluto ni Pinang ang kaniyang ina noong ito ay nagkasakit. ______7. Naging halaman na maraming mata si Pinang. ______8. Gusto ni Aling Rosa na lumaking masipag si Pinang. ______9. Nagsisi si Aling Rosa sa sinabi niya sa kaniyang anak. ______10. Ang tema ng Alamat ay pagkamasunurin. V. TAKDANG-ARALIN a. Anu-ano ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa mga magulang at sa iba pang nakakatanda sa tahanan? Isulat ang kasagutan sa inyong kwaderno. b. Basahin ang “Mga Batang Pilipino” sa inyong libro Sibol Batay sa bagong Kurikulum pp. 165-166.