



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Tells about History and Characteristic of an Essay.
Typology: Study notes
1 / 5
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
On special offer
Mula pa noong sinaunang panahon, unang lumabas at siyang pinagsimulan ng sanaysay ang akdang isinulat ni Aristotle na pinamagatang ETHICS at ang isinulat ni Theoprastus na CHARACTERS. Ang dalawang materyal na ito ay naglalarawan ng iba’t ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal, mareklamo at iba pa. Subalit ang kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si Michael Eyquem de Montaigne (1533-1593). Siya ang nagpakilala ng salitang ESSAY bilang isang anyong pampanitikan na pinamagatan niyang ESSAIS ang kalipunan ng mga kaisipan, opinyon, pananaw at damdamin na kanyang isinulat. Lumitaw ito noong 1580 at nagsilbing panimula sa pagpapaunlad ng sanaysay. Bagamat kung ating pagbabatayan ang Banal na Aklat o Bibliya kung saan binubuo ng mga tula at awit, at mga prosa na nasa hugis pasalaysay at sanaysay, masasabing kasintanda na rin ng sanaysay ang panahon kung gayon. Mapapansin din na ang tema ng Bibliya ay nasa tonong seryoso o may pagkadidaktibo kung ihahambing sa mga gawa ni Montaigne na magaan lamang. Marami pa ang mga sumunod na mananaysay katulad nila William Hazlitt, Ralph Waldo Emerson at Francis Bacon. Ang tatlong ito ang siyang huling naimpluwensyahan nang malaki ni Montaigne, ang nagpanumbalik ng pagkaseryoso, didaktibo at pagkamabigat ng sanaysay. Subalit sa mga nagdaang siglo, matapos lumabas ang iba’t ibang mananaysay, lalo na bago sumapit ang ika-19 siglo, masasabing may apat na naging kapuna-punang katangian ang sanaysay. Ito ay ang: kumbensyunal, himig-nakikipag-usap, personal, masay at masiste. Hindi nalalayo sa mga unang isinulat ni Montaigne.
Nagsimula ang tinatawag na sanaysay noong 1580 dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael de Montaigne , isang pranses na pinamagatang Essais. Sa mga nakabasa ng kanyang akdang Essais, ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga mayakda. Makaraan ng ilang taon, noong 1597 , nagsimula namang magsulat ng mga sanaysay si Francis Bacon , isang manunulat at pilosopong Ingles na pinanganak sa bansang London, United Kingdom noong 1561 na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles ”. Sa taong 1700 , kakaunti na lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni Francis Bacon. Isa na rito sina: Sir Thomas Izaak Walton na sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan. Sinundan pa ito ni Sir Thomas Browne, isang manunulat at awtor ng iba’t ibang mga akda na nagpapakita sa kanyang malawak na kaalaman pagdating sa agham at medisina. Katulad ni Bacon nanggaling din si Browne sa London at ipinanganak noong ika-19 ng Oktubre taong 1605. Ang kanyang paksa ay patungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito ay masusi niyang inilarawan sa kanyang akdang Religio Medici at Urn Burial. Sumunod sa yapak nila Bacon at Browne ang makatang Ingles, kritiko ng panitikan, tagasalin at manunulat ng dula na si John Dryden mula sa Aldwincle, United Kingdom. Ang kanyang mga opinyon tungkol sa Panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga nagpapahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy. Bumalik ang kasiglahan ng pagsulat ng sanaysay noong taong 1800 sa pamamagitan nina Richard steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Goldsmith at iba pa. Ipinanganak sa Dublin si Richard Steele. Isa siya sa pinakamahusay na editor ng founder ng Tatler kasama ang kanyang kaibigang si Spectator. Sinulat ni Steele ang mga tanyag na sanaysay na madalas tumutugon sa “Mula sa Aking Sariling Apartment”. Ang Tatler ay isang British na pampanitikan at panlipunang papel na kung saan naililimbag ng kada dalawang taon. Tinangka rin nito na magbago ng diskarte sa pamamahayag na mas nakatutok sa sanaysay. Para naman sa manunula at leksikogtapong si Samuel Johnson, ang karamihang nagrebisa at nagsulat ng isang biweekly journal na pinamagatang The Rambler , bumalik siya sa pamamahayag sa pamamagitan ng pag-ambag nito ng mga sanaysay at mga rebyu sa Literary Magazine at The Idler, kung saan isa sa naging akda niya ay “ Ang Pagkabulok ng Pagkakaibigan ” (Decay of Friendship). Ilan pa sa mga sinulat ni Johnson ay ang mga sumusunod: -Sa Estilo ng jonathan Swift -Pag-uusap -Ang Estilo ng Bugbear -Isang Encomium sa Sleep Panghuli ay si Oliver Smith na isang manunulat, makata at mangagamot. Nakilala siya bukod sa nobela niyang The Var of Wakefield ay ang kanyang katipunan ng soft-satire essays sa pamumuhay ng Ingles na nakikita ng isang di makatotohanang bisita na isang Tsino. Patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay noong 1900. Bukod sa Panitikan at sining naging malaganap rin ang paksang panrelihiyon at panlipunan. Naging tanyag sa panahong ito ang mga manunulat na sina John Ruskin, Thomas Henry, Aldous Huxley at Matthew Arnold. Makikita sa ibabang bahagi ng pahinang ito ang mga sumusunod na mga manunulat at kanilang akda na naging tanyag sa iba’t ibang panahon katuwang ang link kung saan mababasa ang karagdagang impormasyon patungkol dito.
Sa panahon ng pananakop ng mga Esapanyol sa Pilipinas, nagsikap ang mga ito sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika. Naging palasak ang akdang “ Collection de Semones en Tagalo” na isinulat ni Padre Modestro de Castro patungkol sa pagsusulatan ng dalawang binibini na sina Urbana at Feliza. Pinaniniwalaang ang unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang “Pag-aaralan nang manga Tagalos nang Uicang Castila” ni Tomas Pinpin.
Pinamulaklakan nina Pascual Poblete, Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, at iba pang manunulat ang pagbibigay buhay ng sanaysay sa Pilipinas. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway na naglathala ng maikling kuwento at sanaysay bago makidigma ang mga sanaysay nina Pedro S. Dandan at Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga Pilipino. Noong. 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos. Marami ding mga katipunan o naging koleksyon ng sanaysay ang nailimbag kabilang na rito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa Amng Sulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza Matute. Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala na sanaysay tulad ng Diwang Ginto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan. Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards for Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay yaong nahihinggil sa panunuring pampanitikan ng iba’t ibang sangay ng Panitikan. Kinilalang mahuhsuay na mananaysay ng “Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila, Rosario Torres at iba pa. Noong panahon naman ng mga Amerikano sa ating bansa taong 1819, inum[isahan naman ito ni Washington Irving sa kanyang “ Sketch Book”. Noong unang hati ng 1900, ipinakilala ito ni Modesto de Castro sa kanyang “Urbana at Feliza”. Narito ang mga ilang manunulat na namayagpag sa pagsulat ng sanaysay sa iba’t ibang panahon sa Pilipinas kasama ang kanilang obra maestrang isinulat. Panahon ng Himagsikan sa mga Kastila
Mabini Osmeña Palma Henrasyong Dekada ‘ Henerasyong Dekada ‘
Panuto: Sa isang talata, bigyang paliwanag ang kasabihan ni Aldous Huxley tungkol sa sanaysay. Isulat ito sa isang malinis na papel at pagkatapos ay isumite sa nabuong facebook page ng sabjek upang ito’y maiwasto ng guro. Maaring sa pamamagitan ng Microsoft Word o di kaya’y sa paraang palitrato. ( puntos) “Ang sanaysay ay isang pampanitikang daan sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa kahit anuman.”
- Aldous Huxley