Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

KAHULUGAN NG PAGSASALING WIKA, Assignments of History of film

Ito ay tungkol sa pagsasaling-wika

Typology: Assignments

2019/2020

Uploaded on 12/11/2020

erika-carteciano
erika-carteciano 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 9

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
KAHULUGAN NG PAGSASALING-WIKA
· Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat ay nagaganap sa isang wika at ipinalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati
nang umiiral na pahayag sa ibang wika.
· Ang pagsasaling-wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan ng isang
wika.
· Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng
katapat na diwa sa ibang wika.
· Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang
pananalita
· Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika.
· Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang
hindi nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nang hindi nababago ang diwa at kaisipang
ipinahahayag nito tungo sa ibang wika (Santiago, 1976)
LARANGAN NG PAGSASALIN
Ang larangan ng pagsasalin ay nahahati sa tatlo ayon kay Jakobson:
1. Intralingual – ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika. Ang
ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng paggamit
ng ibang sign sa loob ng magkaparehong wika.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9

Partial preview of the text

Download KAHULUGAN NG PAGSASALING WIKA and more Assignments History of film in PDF only on Docsity!

KAHULUGAN NG PAGSASALING-WIKA

· Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat ay nagaganap sa isang wika at ipinalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. · Ang pagsasaling-wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan ng isang wika. · Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika. · Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang pananalita · Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika. · Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nang hindi nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika (Santiago, 1976) LARANGAN NG PAGSASALIN Ang larangan ng pagsasalin ay nahahati sa tatlo ayon kay Jakobson:

1. Intralingual – ito’y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika. Ang ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng paggamit ng ibang sign sa loob ng magkaparehong wika.

2. Interlingual Translation – tinatawag itong translation proper. Ito ay may layuning mag-interpret ng mga verba sign sa pamamagitan ng mga verbal sign ng ibang wika. Subalit ang pokus nito ay hindi lamang paghahanap ng katugmang simbolo kundi maghanap ng simbolo sa tumpak na pagkakahanay. 3. Intersemiotic o transmutation – ito’y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba. Halimbawa ang isang berbal na mensahe ay maaaring mai-transmute sa pamamagitan ng pagwawagayway ng kanilang bandila sa tumpak na pamamaraan. Ang pagsasalin ay binubuo ng maraming paghihigpit dala ng kultura, linggwistika. Pangliteraturang istilo at mass media. Ang pagsasalin ng mga dokumentong legal- halimbawa, mga batas ay nakasulat sa wikang ingles na isasalin sa wikang Filipino ay napapalooban ng pagkakaiba-iba ng bawat wika dahil magkaiba ang saloobin sa pamamalakad ng batas APAT NA KATEGORIYA NG PAGSASALIN AYON KAY SAVORY

  1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa. Hal. Second-hand books are sold here. Salin: Nagbibili rito ng mga librong gamit na.
  2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang mambabasa ay ang nilalaman ng akda. Hal. Fate of the Earth Salin: Satanas sa lupa Seven last words Salin: Huling wika
  3. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma gaya mg tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula sa tula.

Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay nagsasalungatan. Mahalagang mabatid natin ang mga ito upang maging mabisa ang ating pagsasalin. Upang higit na maging malinaw sa iyo ay basahin at pag-aralan mo muna ang mga paliwanag na aking ilalahad. A. Salita laban sa Diwa May ibang pangkat ng tagapagsalin ang naniniwalang hindi dapat sa pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos ang atensyon ng tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kaniyang isinasalin. Hindi maitatatwa na may mga salita sa wikang isinasalin na hindi natutumbasan ng isa ring singkahulugang salita sa wikang pinagsasalinan. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Isa pa , ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot na dalawang wika ay hindi magkaangkan. B. “Himig-orihinal” laban sa “Himig-salin”: Kapag literal ang salin, humigit-kumulang, ito’y himigsalin na rin. At kapag naman idyomatiko ang salin, humigitkumulang, ito’y himig-orihinal. Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-halatang katumbas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin, sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng mga parirala at pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan. Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himigorihinal na rin ito sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay una palang isinulat sa ibang wika. Higit na nakararami marahil ang mga tagapagsalin na naniniwala na ang isang salin ay dapat magng natural at himig orihinal.

C. Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin Bawat awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan, ay may sariling estilo. Bagamat may mga manunulat na sa biglang tingin ay waring magkatulad sa estilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang mga ito kahit paano. Maaaring nagkakaiba sa uri ng mga pangungusap na ginamit. May mga awtor na mahilig sa mabulaklak at kilometrong mga pahayag na dahil sa kahabaan ay madalas na nalilito ang mga mambabasa sa pinagsama-samang iba’t ibang kaisipan sa pangungusap. May mga awtor naman na ang kabaligtaran nito ang hilig: maikli at payak na pangungusap ang ginagamit. D. Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin Nagkakaroon lamang ng problema sa panahon kapag mga akdang klasiko na ang isinasalin. Ito ay kung nahihirapan ang isang tagapagsalin na pilitin ang sariling mapaloob sa katauhan ng kanyang awtor, isa ring napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan sa panahon ng awtor at sa panahon ng tagapagsalin. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsasalin ng Bibliya na mahuhusay kundi man pinakamahusay na mga tagapagsalin ang nagsisipagsalin. E. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring Baguhin”: Ayon sa isang kilalang manunulat, di dapat bawasan, dagdagan o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor. Ang tungkulin ng isang tagapagsalin ay isalin o ilipat lamang sa ibang wika ang likhang-isip ng iba kaya’t nararapat lamang na paka-ingatan niyang hindi mapasukan ng anumang pagbabago ang akda. F. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”:

tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito. D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino nakasalukuyang sinasalita ng Bayan E. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino. F. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ( footnotes ) ang iba bilang mga kahulugan. G. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita. H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng pangungusap. Ang normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles ay simuno + panaguri, samantalang sa Filipino, ang itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri + simuno. I. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig. J. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag kang paaalipin dito.

Ilang Tiyak na Hakbang sa Pagsasalin Upang makabuo tayo ng isang mabisang salin, nararapat lamang na alamin natin ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika. Basahin mo muna ang mga inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw ito sa iyo.

  1. Basahin muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang kabuuang diwa nito.
  2. Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang mga salita.
  3. Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang salin.
  4. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan, pariralang dapat na alisin o idagdag upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga pangungusap na dapat baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang kahulugan nito.
  5. Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga bahagi ng salin na hindi mabasa nang maayos.
  6. Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa nang malakas sa iba ( hindi ang unang bumasa ) hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin. Pagsasalin ng mga salita at parirala