Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

How to be a hero like Rizal?, Assignments of History

“Aming ligaya nang pag may mang-aapi ang mamatay nang dahil sayo.” Tila liriko lamang sa ating pambansang awit ngunit may malalim at madamdaming kahulugan. Mga katagang pumasok sa aking isipan kung itatanong sa akin kung Paano maging isang bayani?

Typology: Assignments

2020/2021

Uploaded on 03/24/2021

ella-cuya
ella-cuya 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 2

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Name:Ella Mae G. Cuya
Section: BSA3A
Time of Class: Mondays & Wednesday (5:00-6:30pm)
Title : "Paano maging isang bayani? Sino ang pumili bilang pambansang bayani kay Dr. Jose Rizal?"
“Aming ligaya nang pag may mang-aapi ang mamatay nang dahil sayo.” Tila liriko lamang sa ating
pambansang awit ngunit may malalim at madamdaming kahulugan. Mga katagang pumasok sa aking isipan kung
itatanong sa akin kung Paano maging isang bayani? Isang propesor sa UP ang nagmungkahi ng pamantayan sa
pagpili ng bayani ng bansa. “Isang Pilipino, may masidhing pagmamahal sa bayan, at namatay na”--ito ang mga
katangian para sa kanya ng isang tao para maging bayani. Tila magkahalintulad sa mga huling talata ng Lupang
Hinirang. Ngunit kailangan bang mamatay muna bago maging bayani? Ang pagtalaga ng bayani sa ating bansa ay
upang hirangin ang mga taong nagkaroon ng mahalagang ambag, sakripisyo, at benepisyo sa ating bansa at mga
mamamayang Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon. Isang pagpapaalala sa
kasaysayan na kailangan nating pahalagahan. Pinag Aralang mabuti at masusing sinuri ng mga edukadong
personalidad ang mga kandidato sa pagpili ng bayani para sa ating bansa. Kung iuugnay sa ating panahon, hindi
naman kailangan na mamatay muna para maging bayani. Simulan mo sa paggawa ng mabuti sa kapwa ng walang
hinihintay na kapalit at pagpapahalaga sa bansang kinalakihan natin at sa magagandang asal na natutunan natin sa
mga ninuno pa natin. Kung iisipin, bawat isa sa atin ay maaaring maging bayani. Napagisipan mo bang mabuti bago
mo bigkasin ang bawat salita ng panunumpa sa ating Panatang Makabayan? Kaya mo ba talagang ialay ang iyong
buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas? Kaya mo bang taas noong bigkasin ang panunumpa mo sa
watawat ng ating Pilipinas at ipagmalaki ang bansa natin sa kahit sinong ibang lahi? Ano man ang iyong kasagutan,
makikita ito sa iyong pag-uugali at kilos mo sa ibang tao o maging sa loob ng iyong tahanan. Kahit di ka man
mahirang bilang isang bayani ng bansa at maitala sa kasaysayan ng Pilipinas, ipamalas natin ang pagiging Maka-
Diyos, makakalikasan, at makabansa dahil ganito ang mga katangiang mayroon ang isang mamamayang Pilipino na
maituturing din bilang isang bayani.
Simula elementarya ay tumatak na bawat isipan natin na si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng
Pilipinas dahil sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagmulat sa mga Pilipino noon sa
karahasan ng mga Kastila at nagbigay daan para ipaglaban nila ang kalayaang tinatamasa na natin hanggang ngayon
sa bansa. Ngunit sino ang nagdesisyong at pumili bilang pambansang bayani si Dr. Jose Rizal? Ayon sa aking mga
natuklasan sa internet, nagsimulang bigyan pansin ang pagkakaroon o pagkilala ng pambansang bayani sa
komisyong Taft noong 1900 na pinamunuan ni William Howard Taft. Bukod kay Dr. Rizal, may ilang personalidad
din ang naging kandidato sa pagpili ng ating bayani. Kabilang dito ay sina Marcelo H. Del (Plaridel) isang
Bulakenyo at kilala sa katagang "dakilang propagandista;" Emilio Jacinto isang kilalang Manilenyo na Henaral at
parmasyutiko; Graciano Lopez Jaena isang Ilokanong Propagandista at Repormista; Anotonio Luna isa ding
Manilenyong Heneral at parmasyutiko; Andres Bonifacio kilala bilang Ama ng Katipunan o ang Supremo ng
KKK; at si Emilio Aguinaldo ang unang Pangulo ng Pilipinas. Ang mga naging hurado ay ang mga opisyales ng
Amerika noon at iba pang Pilipino. Ilan sa mga bumoto o pumili kay Dr. Rizal bilang pambansang bayani ay sina
William Howard Taft (Gobernador Sibil ng Pilipinas sa mga taong 1901-1904 at siyang nanguna sa pagpili kay
Rizal upang maging pambansang bayani); William Morgan Shuster (Nakilala sa kasaysayan bilang pinakamahusay
na treasurer-general ng Iran noong 1911); Bernard Moses (Nakilala sa kasaysayan bilang pioneer of the Latin-
American scholarship); Trinnidad Hermenegildo- Pardo de Tavera (Isang creole o mga pilipinong may dugong
Kastila na ipinanganak sa bansa na sumusuporta sa pamahalaang Amerikano at sila din ang mga kumatawan sa
bansa sa Second Philippine Commission); Cayetano L. Arellano (Unang punong mahistrado ng korte suprema ng
bansa); at Jose Luzurriaga (Kasama ni Trinidad Hermenegildo, sila nag kumatawan sa Second Philippine
Commission). Noong una ay sii Marcelo H. Del Pilar ang nanalo sa eleksyon ng pagiging pambansang bayani ngunit
di kalaunan napagpasiyahang muling tingnan ang mga naging buhay at kamatayan ng bawat isa sa mga kandidato.
Sa muling pagsusuring naganap, napagpasyahan nila na hirangin si Dr. Rizal bilang pambansang bayani ng bansa
dahil sa kamangha-manghang paraan na kanyang ginawang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Ipinakita niyang
hindi himagsikan lagi ang solusyon para makamit ang inaasam-asam na kalayaan. Sa pamamagitan ng pluma at
papel, ipinahayag niya ang pagtutol sa pamamalakad ng Kastila sa ating bansa na hindi lamang nakapukaw ng
pansin sa mga Pilipino kundi pati na rin ng mga Kastila dahil ito ang naging sanhi ng galit ng mga Kastila kay Dr.
Rizal na ikinamatay niya. Sa kanyang kamatayan ay nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Pilipino na mag-aklas.
Ang mga dating miyembro ng La Liga Filipina ay binuo ang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Wala
mang kinalaman si Dr. Rizal rito, isa siyang malaking bahagi ng kasaysayan na nagbigay pag-asa, lakas ng loob at
pumukaw sa bawat bayaning nakipagsapalaran din hindi man sa pluma ay kundi sa paraang alam nila para ipaglaban
ang Pilipinas.
Sa dinadami-dami ng mga bayani, bakit si Dr. Rizal parin ang napiling bayani? Kung tayo ang hahatol sa
kasalukuyan, sino ba para sa atin ang karapat-dapat na hiranging pambansang bayani? Lahat ng bayaning namatay
para sa ating minamahal na Pilipinas ay karapat-dapat ngunit nag-iisa sa kanila ang gumamit ng matiwasay, payapa,
at isinasaalang-alang ang maaaring mamatay kung gagamitan ng dahas ang pakikipaglaban sa mga nang-aapi. Lahat
ito ay ipinakita ni Dr. Rizal na isinakripisyo ang pagiging marangyang Pilipino at bumaba sa mga inaaping Pilipino
at tinuruan ng karunungan. Kung iisipin, wala naman siyang ginawa kundi itinuro ang tama sa Pilipino at ang mga
maling gawain ng Kastila sa kanyang nobela. Tumagos sa puso ng bawat taong nagbasa noon ng kanyang nobela
ang bawat aral doon kung kaya’t iba’t ibang damdamin ang inilabas nila. Sa mga damdaming iyon dalawang
emosyon ang maaaring nanaig sa isang tao. Galit dahil sa tingin mo pinapatamaan ka ni Rizal o ikaw ang tinutukoy
niya na isa sa mga antagonista sa kanyang nobela. Lakas ng loob dahil sa tingin mo ay karamay mo si Dr. Rizal sa
mga pang-aabusong nakamit mo at suportado ka niya kung kikilos ka na para harapin ang mga taong gumagawa ng
masama. Ganito ang malaking epekto ng dalawang nobela niya sa bawat tao. Maraming mga aral ang ipinahayag
niya. Hindi na dapat natin kinukwestyon kung bakit karapat dapat si Dr. Rizal na maging pambansang bayani dahil
hindi naman niya inaasahang magiging parte siya ng ating kasaysayan. Hindi man siya humawak ng itak o nagdanak
ng dugo ng ibang tao para sa ating bayan, sapat ng dahilan ang pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng panitikan at
pagpapakita ng sakriprisyo ng kaniyang buhay para ipakita ang pagmamahal niya sa ating bansa at ating mga
pf2

Partial preview of the text

Download How to be a hero like Rizal? and more Assignments History in PDF only on Docsity!

Name:Ella Mae G. Cuya Section: BSA3A Time of Class: Mondays & Wednesday (5:00-6:30pm) Title : "Paano maging isang bayani? Sino ang pumili bilang pambansang bayani kay Dr. Jose Rizal?" “Aming ligaya nang pag may mang-aapi ang mamatay nang dahil sayo.” Tila liriko lamang sa ating pambansang awit ngunit may malalim at madamdaming kahulugan. Mga katagang pumasok sa aking isipan kung itatanong sa akin kung Paano maging isang bayani? Isang propesor sa UP ang nagmungkahi ng pamantayan sa pagpili ng bayani ng bansa. “Isang Pilipino, may masidhing pagmamahal sa bayan, at namatay na”--ito ang mga katangian para sa kanya ng isang tao para maging bayani. Tila magkahalintulad sa mga huling talata ng Lupang Hinirang. Ngunit kailangan bang mamatay muna bago maging bayani? Ang pagtalaga ng bayani sa ating bansa ay upang hirangin ang mga taong nagkaroon ng mahalagang ambag, sakripisyo, at benepisyo sa ating bansa at mga mamamayang Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon. Isang pagpapaalala sa kasaysayan na kailangan nating pahalagahan. Pinag Aralang mabuti at masusing sinuri ng mga edukadong personalidad ang mga kandidato sa pagpili ng bayani para sa ating bansa. Kung iuugnay sa ating panahon, hindi naman kailangan na mamatay muna para maging bayani. Simulan mo sa paggawa ng mabuti sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit at pagpapahalaga sa bansang kinalakihan natin at sa magagandang asal na natutunan natin sa mga ninuno pa natin. Kung iisipin, bawat isa sa atin ay maaaring maging bayani. Napagisipan mo bang mabuti bago mo bigkasin ang bawat salita ng panunumpa sa ating Panatang Makabayan? Kaya mo ba talagang ialay ang iyong buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas? Kaya mo bang taas noong bigkasin ang panunumpa mo sa watawat ng ating Pilipinas at ipagmalaki ang bansa natin sa kahit sinong ibang lahi? Ano man ang iyong kasagutan, makikita ito sa iyong pag-uugali at kilos mo sa ibang tao o maging sa loob ng iyong tahanan. Kahit di ka man mahirang bilang isang bayani ng bansa at maitala sa kasaysayan ng Pilipinas, ipamalas natin ang pagiging Maka- Diyos, makakalikasan, at makabansa dahil ganito ang mga katangiang mayroon ang isang mamamayang Pilipino na maituturing din bilang isang bayani. Simula elementarya ay tumatak na bawat isipan natin na si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagmulat sa mga Pilipino noon sa karahasan ng mga Kastila at nagbigay daan para ipaglaban nila ang kalayaang tinatamasa na natin hanggang ngayon sa bansa. Ngunit sino ang nagdesisyong at pumili bilang pambansang bayani si Dr. Jose Rizal? Ayon sa aking mga natuklasan sa internet, nagsimulang bigyan pansin ang pagkakaroon o pagkilala ng pambansang bayani sa komisyong Taft noong 1900 na pinamunuan ni William Howard Taft. Bukod kay Dr. Rizal, may ilang personalidad din ang naging kandidato sa pagpili ng ating bayani. Kabilang dito ay sina Marcelo H. Del (Plaridel) isang Bulakenyo at kilala sa katagang "dakilang propagandista;" Emilio Jacinto isang kilalang Manilenyo na Henaral at parmasyutiko ; Graciano Lopez Jaena isang Ilokanong Propagandista at Repormista ; Anotonio Luna isa ding Manilenyong Heneral at parmasyutiko ; Andres Bonifacio kilala bilang Ama ng Katipunan o ang Supremo ng KKK ; at si Emilio Aguinaldo ang unang Pangulo ng Pilipinas. Ang mga naging hurado ay ang mga opisyales ng Amerika noon at iba pang Pilipino. Ilan sa mga bumoto o pumili kay Dr. Rizal bilang pambansang bayani ay sina William Howard Taft (Gobernador Sibil ng Pilipinas sa mga taong 1901-1904 at siyang nanguna sa pagpili kay Rizal upang maging pambansang bayani); William Morgan Shuster (Nakilala sa kasaysayan bilang pinakamahusay na treasurer-general ng Iran noong 1911); Bernard Moses (Nakilala sa kasaysayan bilang pioneer of the Latin- American scholarship); Trinnidad Hermenegildo- Pardo de Tavera (Isang creole o mga pilipinong may dugong Kastila na ipinanganak sa bansa na sumusuporta sa pamahalaang Amerikano at sila din ang mga kumatawan sa bansa sa Second Philippine Commission); Cayetano L. Arellano (Unang punong mahistrado ng korte suprema ng bansa); at Jose Luzurriaga (Kasama ni Trinidad Hermenegildo, sila nag kumatawan sa Second Philippine Commission). Noong una ay sii Marcelo H. Del Pilar ang nanalo sa eleksyon ng pagiging pambansang bayani ngunit di kalaunan napagpasiyahang muling tingnan ang mga naging buhay at kamatayan ng bawat isa sa mga kandidato. Sa muling pagsusuring naganap, napagpasyahan nila na hirangin si Dr. Rizal bilang pambansang bayani ng bansa dahil sa kamangha-manghang paraan na kanyang ginawang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Ipinakita niyang hindi himagsikan lagi ang solusyon para makamit ang inaasam-asam na kalayaan. Sa pamamagitan ng pluma at papel, ipinahayag niya ang pagtutol sa pamamalakad ng Kastila sa ating bansa na hindi lamang nakapukaw ng pansin sa mga Pilipino kundi pati na rin ng mga Kastila dahil ito ang naging sanhi ng galit ng mga Kastila kay Dr. Rizal na ikinamatay niya. Sa kanyang kamatayan ay nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Pilipino na mag-aklas. Ang mga dating miyembro ng La Liga Filipina ay binuo ang Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Wala mang kinalaman si Dr. Rizal rito, isa siyang malaking bahagi ng kasaysayan na nagbigay pag-asa, lakas ng loob at pumukaw sa bawat bayaning nakipagsapalaran din hindi man sa pluma ay kundi sa paraang alam nila para ipaglaban ang Pilipinas. Sa dinadami-dami ng mga bayani, bakit si Dr. Rizal parin ang napiling bayani? Kung tayo ang hahatol sa kasalukuyan, sino ba para sa atin ang karapat-dapat na hiranging pambansang bayani? Lahat ng bayaning namatay para sa ating minamahal na Pilipinas ay karapat-dapat ngunit nag-iisa sa kanila ang gumamit ng matiwasay, payapa, at isinasaalang-alang ang maaaring mamatay kung gagamitan ng dahas ang pakikipaglaban sa mga nang-aapi. Lahat ito ay ipinakita ni Dr. Rizal na isinakripisyo ang pagiging marangyang Pilipino at bumaba sa mga inaaping Pilipino at tinuruan ng karunungan. Kung iisipin, wala naman siyang ginawa kundi itinuro ang tama sa Pilipino at ang mga maling gawain ng Kastila sa kanyang nobela. Tumagos sa puso ng bawat taong nagbasa noon ng kanyang nobela ang bawat aral doon kung kaya’t iba’t ibang damdamin ang inilabas nila. Sa mga damdaming iyon dalawang emosyon ang maaaring nanaig sa isang tao. Galit dahil sa tingin mo pinapatamaan ka ni Rizal o ikaw ang tinutukoy niya na isa sa mga antagonista sa kanyang nobela. Lakas ng loob dahil sa tingin mo ay karamay mo si Dr. Rizal sa mga pang-aabusong nakamit mo at suportado ka niya kung kikilos ka na para harapin ang mga taong gumagawa ng masama. Ganito ang malaking epekto ng dalawang nobela niya sa bawat tao. Maraming mga aral ang ipinahayag niya. Hindi na dapat natin kinukwestyon kung bakit karapat dapat si Dr. Rizal na maging pambansang bayani dahil hindi naman niya inaasahang magiging parte siya ng ating kasaysayan. Hindi man siya humawak ng itak o nagdanak ng dugo ng ibang tao para sa ating bayan, sapat ng dahilan ang pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng panitikan at pagpapakita ng sakriprisyo ng kaniyang buhay para ipakita ang pagmamahal niya sa ating bansa at ating mga

mamamayang Pilipino. Maaring dalawang nobela lamang ang alam kong akda niya ngunit alam kong mas marami pang rason kung bakit siya ang ating pambansang bayani.