Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Dulaang Filipino answer, Cheat Sheet of Teaching method

This is an answer to your module. Thank you

Typology: Cheat Sheet

2020/2021

Uploaded on 06/21/2021

rix-king
rix-king 🇵🇭

5

(2)

2 documents

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Paghahabi
Panuto: Panoorin ang “iJuander: Gaano ba kahirap ang buhay teatro?” sa youtube channel ng GMA
Public Affairs. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Mga Tanong
1. Ano ang pangunahing ideya o kaisipan ang inilalahad sa video? Ang pangunahing ideya
na nais iparating ng nasabing bidyu ay dapat pa rin nating panatilihin at tangkilikin ang teatro
sapglat ito’y nagsisilbing tulay para tayo pa rin ay makapunta sa naging kahapon at ano ang mga
naging kaganapan na siyang naghulma sa kung ano ang kasalukuyan. Ang teatro kasi raw sa mga
sa mga taong nasa likod ng drama ay tila isang uri ng medisina na kung saan ay siyang
nagsisilbing tagapagpasigla sa mga buhay nila. Marami man ang hindi makaintindi sa uri ng sining
na ito, ngunit para sa kanila isa ito sa mga bagay na nakapahpapasaya sa kanila. Mahirap man
umano ang pagtatagpi-tagpi ng oras, sa huli’t huli’y nahahanapan din ng solusyon at paraan.
Mahiarp man daw ito, may parangal o pagkilala naman na kapalit sa bawat pawis at dugo na
pipinupuhanan sa bawat dramang gawa ng malikhaing pag-iisip.
2. Gaano ito kahalaga sa buhay ng mga Pilipino?- ang teatro sa buhay ng Pilipino ay mahalaga
dahil isa ito sa mga sining na nagsisilbing lagusan para sa bago xzng henerasyon na makasilip sa
kung ano ng aba ang kahapon. Maraming teatro ang gumagwa ng dulaang patungkol sa
kasaysayan ng bansa na marahil ay ipinagsasawalang bahala na ng bagong silang na henerasyon.
Ang teatro ay nagtatanghal rin ng dulang may kinalaman sa mga isyung nararanasan ng bansa
tulad ng kahirapan, gutom, kurapsyon, at dulang patungkol sa patuloy na pag-angkin ng mga
dayhan sa lupaing minsang ipinaglaban na ng ating bayani. Mahalaga ito sapagkat maari itong
maGbigay ng kakintalan sa mga isipan ng Pilipino na tayo ay marami pang magagawa para ating
masolusyunan ang mga isyung tayo rin mismo ang maaapektuhan.
Pagpapaliwanag:
1. Punan ng datos ang mga graphic organizers ayon sa inyong natutuhan. Gamitin ang sariling
pananalita.
VENN DIAGRAM:
Dula: And dula, ang dayalogo nito ay pabigkas lamang at ‘di gumagamit ng kung anumang estilo sa
pakikipag dayalogo. Ang dula, lalo na sa telebisyon ay bilang o limitado ang mga galaw sa kadahilanang
nararapat itong magmukhang natural at ‘di magmukhang isinasadula lamang.
Pagkakatulad: Parehong itinatanghal para sa isang grupo o manunuod. Parehong nagtataglay ng direktpr
at mga taong gaganap sa mga karakter na bibigyang buhay. Parehong nagtataglay ng mga elementong
siyang mas nagsisilbing tagapagpaayos ng daloy ng kwento.
Teatro: Ang Teatro naman ay gumagamit rin ng dayalogo, pabigkas at sa paawit na paraan. Ang teatrro,
kung pagbabasehan ang galaw o gestures ng mga karakter ay mas Malaya at minsan pa’y ginagawa
nang mas higit sa natural o normal na pagsasagawa nito.
2. Data Retrieval Chart
A.
Sangkap/Elemento
ng Dula
Katangian Halimbawa
1. BANGHAY
/PLOT
2. TAUHAN
3. DAYALOGO
1. Ito ang pasalaysay na pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa dula sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na
gumagalaw sa tanghalan.
2. Ito ay tao o grupo ng tao na siyang
nagbibigay buhay sa dula. Sila ang
nagbibigay emosyon at galaw na siyang
nakasulat o nakalagay sa ginawan skrip.
3. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na
siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
4. Tumutukoy ito sa anumang pook na
pinagpasyahang o pinagdesisyunang
pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan, tanghalan ang
1. "Nagkakilala ang isang lalaki at
babae, nagkahiwalay ang babae
at lalaki at nagkabalikan sa
wakas”.
2. Mga tauhan sa “teleseryeng”
bagong umaga: Ely, Tisay, Cai,
Otep, Angge, Dodong.
3. Mga sikat na linya sa teleseryeng
“The Legal Wife:
Monica: “Walang sa’yo, Nicole. Akin lang ang
asawa ko!”
Monica: “Paano mo siya nilandi? Anong un
among tinagnggal? ‘Yang bra mo? ‘Yang panty
mo o ‘yang konsensya mo?”
Nicole: “Oo, Monica. May nangyari sa amin ng
asawa mo! At nang naulit at nang maulit, hindi
na lang sex ‘yon. It was making a love”
4. Lahat ng lugar ay maaring
pangtanghalan depende sa
director. Tulad ng gubat, eskinita,
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download Dulaang Filipino answer and more Cheat Sheet Teaching method in PDF only on Docsity!

Paghahabi Panuto: Panoorin ang “iJuander: Gaano ba kahirap ang buhay teatro?” sa youtube channel ng GMA Public Affairs. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Mga Tanong

  1. Ano ang pangunahing ideya o kaisipan ang inilalahad sa video****? Ang pangunahing ideya na nais iparating ng nasabing bidyu ay dapat pa rin nating panatilihin at tangkilikin ang teatro sapglat ito’y nagsisilbing tulay para tayo pa rin ay makapunta sa naging kahapon at ano ang mga naging kaganapan na siyang naghulma sa kung ano ang kasalukuyan. Ang teatro kasi raw sa mga sa mga taong nasa likod ng drama ay tila isang uri ng medisina na kung saan ay siyang nagsisilbing tagapagpasigla sa mga buhay nila. Marami man ang hindi makaintindi sa uri ng sining na ito, ngunit para sa kanila isa ito sa mga bagay na nakapahpapasaya sa kanila. Mahirap man umano ang pagtatagpi-tagpi ng oras, sa huli’t huli’y nahahanapan din ng solusyon at paraan. Mahiarp man daw ito, may parangal o pagkilala naman na kapalit sa bawat pawis at dugo na pipinupuhanan sa bawat dramang gawa ng malikhaing pag-iisip.
  2. Gaano ito kahalaga sa buhay ng mga Pilipino ?- ang teatro sa buhay ng Pilipino ay mahalaga dahil isa ito sa mga sining na nagsisilbing lagusan para sa bago xzng henerasyon na makasilip sa kung ano ng aba ang kahapon. Maraming teatro ang gumagwa ng dulaang patungkol sa kasaysayan ng bansa na marahil ay ipinagsasawalang bahala na ng bagong silang na henerasyon. Ang teatro ay nagtatanghal rin ng dulang may kinalaman sa mga isyung nararanasan ng bansa tulad ng kahirapan, gutom, kurapsyon, at dulang patungkol sa patuloy na pag-angkin ng mga dayhan sa lupaing minsang ipinaglaban na ng ating bayani. Mahalaga ito sapagkat maari itong maGbigay ng kakintalan sa mga isipan ng Pilipino na tayo ay marami pang magagawa para ating masolusyunan ang mga isyung tayo rin mismo ang maaapektuhan. Pagpapaliwanag:
  3. Punan ng datos ang mga graphic organizers ayon sa inyong natutuhan. Gamitin ang sariling pananalita. VENN DIAGRAM: Dula: And dula, ang dayalogo nito ay pabigkas lamang at ‘di gumagamit ng kung anumang estilo sa pakikipag dayalogo. Ang dula, lalo na sa telebisyon ay bilang o limitado ang mga galaw sa kadahilanang nararapat itong magmukhang natural at ‘di magmukhang isinasadula lamang. Pagkakatulad: Parehong itinatanghal para sa isang grupo o manunuod. Parehong nagtataglay ng direktpr at mga taong gaganap sa mga karakter na bibigyang buhay. Parehong nagtataglay ng mga elementong siyang mas nagsisilbing tagapagpaayos ng daloy ng kwento. Teatro: Ang Teatro naman ay gumagamit rin ng dayalogo, pabigkas at sa paawit na paraan. Ang teatrro, kung pagbabasehan ang galaw o gestures ng mga karakter ay mas Malaya at minsan pa’y ginagawa nang mas higit sa natural o normal na pagsasagawa nito. 2. Data Retrieval Chart A. **Sangkap/Elemento ng Dula Katangian Halimbawa
  4. BANGHAY /PLOT
  5. TAUHAN
  6. DAYALOGO**
  7. Ito ang pasalaysay na pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa dula sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
  8. Ito ay tao o grupo ng tao na siyang nagbibigay buhay sa dula. Sila ang nagbibigay emosyon at galaw na siyang nakasulat o nakalagay sa ginawan skrip.
  9. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
  10. Tumutukoy ito sa anumang pook na pinagpasyahang o pinagdesisyunang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan , tanghalan ang 1. "Nagkakilala ang isang lalaki at babae, nagkahiwalay ang babae at lalaki at nagkabalikan sa wakas”. 2. Mga tauhan sa “teleseryeng” bagong umaga: Ely, Tisay, Cai, Otep, Angge, Dodong. 3. Mga sikat na linya sa teleseryeng “The Legal Wife: Monica : “Walang sa’yo, Nicole. Akin lang ang asawa ko!” Monica: “Paano mo siya nilandi? Anong un among tinagnggal? ‘Yang bra mo? ‘Yang panty mo o ‘yang konsensya mo?” Nicole: “Oo, Monica. May nangyari sa amin ng asawa mo! At nang naulit at nang maulit, hindi na lang sex ‘yon. It was making a love” 4. Lahat ng lugar ay maaring pangtanghalan depende sa director. Tulad ng gubat, eskinita,

4. TANGHALAN

5. MANONOOD

6. TEMA

7. ISKRIP

tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

  1. Tao o mga taong siyang nanunuod sa dula. Sila ay maaring magbigay opinion sa naturang dula o ‘di kaya ay magpakita ng pagmamahal o kaya nama’y inis sa pinanuod na dula.
  2. Ang pinakapaksa ng isang dula.
  3. Ito ang pinakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isaalang-alang sa dula ay nararapat na naaayon sa isang iskrip.Walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. beach o klasrum. 5. Sa mga manonood naman, maaring lahat ay maaring makapanuod ng isang dula. Ngunit may ilang dula na may target audience, tulad ng estudyante, ,ga nanay, o ‘di kayay para sa mga may kapansanan. 6. Maaring gawing tema ang “pag- ibig, nasyonalismo, pangigisda, kasaysayan pagkakaibigan, kahirapan. 7. Narito ang isang maikling skrp na ‘di lang naglalaman ng dayalogo, kundi pati na rin ng emosyon at arte na gagawin ng isang actor: (Sa klasrum ay nagharap ang dalawang estudyante na nagkaalitan kagabi sa facebook dahil sa shinare ni Bing ang post ni Jing nang ‘di man lang nag-react.) Jing: (galit) Ang kapal talaga ng mukha mo, Bing. Walag pakundangan mong shinare ang post ko nag ‘di man lang nagrereact?! Walang hiya! Bing: (nabigla at nagtaas rin ng boses kahit kaharap lang Si Jing) Hoy! Sharedpost mo lang ‘yon, ‘no?! ‘Di ikaw ang tunay na author no’n kaya wala kang karapatan na magali sa akin! (naduro) (Napuno si Jing at sinabutan si Bing. Inawat sila ng kaklase nila at saktong dumating ang kanilang guro sa asignaturang sipnayan. Dinala sila sa principal’s office at pinagbati.) B. Teoryang Pampanitikan Katangian Halimbawa
  4. BAYOGRAFIKAL
  5. HISTORIKAL
  6. KLASISMO
  7. HUMANISMO
  8. ROMANTISISMO
  9. REALISMO
  10. Pagkilala sa buhay ng may-akda at ang kaugnayaan ng kanyang buhay at karanasan sa paglikha ng akda. Kalakip din ang mga personal na paniniwala, mga isyu sa kanyang panahon at ang mga taong nakaimpluwensiya sa kanyang pagsulat.
  11. Pagtuklas sa mga salik na pangkapaligiran o elementong nagdulot ng malakıng impluwensiya sa paglikha ng akda. Nakatuon ito sa paraan ng pagbabagu-bago ng gamit sa wika at mga salita bunsod ng pag-usad ng panahon.
  12. Paglikha sa hirarkiya ng mga nilalang, kababakasan ng pagkiling sa mataas na antas ng katayuan o mga aristokrata. Ilan sa mga katangian nito ang pagiging payak, matimpi, obhetibo, malinaw at may hangganan.
  13. Ang tao ang siyang ginagamit na panukat ukol sa lahat ng bagay, na siya ring lumikha ng sarili niyang kapalaran.
  14. Upang makabuo ng mga likhang sining at panitikan, pinagagalaw ng may-akda ang kanyang isip at imahinasyon. Kadalasang tema ng mga akdang kabilang dito ang pag-ibig, katotohanan, kabutihan at kagandahan.
  15. Pinahahalagahan ang katotohana kaysa kagandahan. Pinakikita nito na dahil ang realidad ay may iba’t-ibang kulay.Ipinababatid din na ang buhay ng
  16. -“Si Boy Nicolas” ni Pedro L, Ricarte -“Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas -“Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo Reyes -“Mga gunita” ni Matute
  17. –“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal -“Ang tatlong panahon ng Tulang Tagalog” ni Julian Cruz Balmaceda.
  18. –“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
  19. –“Titser” ni Lualhati Baustista
  • Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla
  1. –“Aloha” ni Deogracias A. Del Rosario
  2. –“Laro sa baga” ni Edgar Reyes -“Banaag at sikat” ni Lope K. Santos -“Satanas sa Lupa” ni Celso Carunungan
  3. –“Mga pusong sugatan” ni Guillermo Holandez
  • “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
  • “Manika” Cirio P.

Isang sorpresa ang ginawa nina Marco at Emily sa gabi ng kasal, ngunit pinigilan sila ni Jean sa pamamagitan ng paghubad ng kanyang totoong pagkatao bilang Jane. Matapos niyang bigyan ang kahilingan ni Marco para sa isang pagpapawalang bisa, si Jane ay inagaw ni Miguel, at sa pagtatangka ni Margaret na iligtas siya, nabigo siya habang pinapatay ni Miguel si Jane hanggang sa mamatay. Nagawang akitin ni Emily si Miguel sa kanyang bitag upang maaresto siya ng mga awtoridad. Nakipagsuntukan si Daniel kasama si Nathan, na sinaksak ang kanyang sarili upang mai-frame up si Daniel. Upang mai- save ang buhay nina Katerina at Henya mula kay Nathan, isuko ni Daniel ang kanyang sarili sa pulisya para sa pagkabigo sa pagpatay, at muling nakasama si Miguel sa kulungan. Binabantaan pa rin ni Nathan si Katerina, habang si Daniel ay fatally sinaksak ng isang kapareha sa bilangguan, na nagpapadala sa kanya ng pagkawala ng malay. Matapos makagaling sa isang ospital at nakalaya mula sa bilangguan, nanumpa si Daniel na pipigilan si Nathan na ilayo si Katerina sa kanya. Inamin ng isang repormang si Margaret na ang kasal nina Katerina at Nathan ay null at void dahil ang lisensya ng pari sa kasal ay nag-expire na. Natagpuan ni Daniel sina Nathan at Katerina sa paliparan, at sinabi sa kanila ni Johanna ang totoo tungkol sa pekeng kasal ni Nathan. Nakipagkasundo si Margaret kay Henya bago isuko ang kanyang sarili sa pulisya para sa lahat ng kanyang krimen at pakikipag-alyansa kay Miguel. Sa wakas ay ikinasal sina Emily at Marco sa Estados Unidos, habang si Miguel ay pineke ang kanyang pagkamatay sa Jones Bridge sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming mga shot mula sa isang sniper ni David (sa ilalim ng utos ni Tomas) at bumulusok sa ilog. Si Margaret sa wakas ay pinatawad nina Emily, Marco at Daniel. Pilit na tinutubos ni Nathan ang sarili para sa ikabubuti (upang maipagmahal niya muli siya kay Katerina), ngunit minamanipula ni Tomas ang buong sitwasyon sa pagsasabi kina Nathan na ikakasal na sina Katerina at Daniel. Dumagdag ang maraming komprontasyon, inamin ni Daniel na si Nathan ay ama ng anak ni Katerina, at ipinaliwanag ni Katerina sa lahat kung paano siya ginahasa ni Nathan. Pinag-uusapan nina Marco, Emily at Johanna tungkol sa paglalagay kay Nathan sa isang ospital sa pag-iisip, ngunit narinig sila ni Nathan at gulat, at sa desperasyong kinidnap niya si Katerina, hinabol sila ni Daniel. Ang isang all-out fistfight sa pagitan nina Daniel at Nathan ay nagresulta sa Katerina na nagdusa ng pagkalaglag. Sina Marco at Emily ay ipinagkaloob kay Nathan sa isang psychiatric hospital, habang ang isang pagluluksa na si Katerina ay galit na sinisisi sina Tomas at Nathan sa pagkamatay ng kanyang hindi pa isinisilang na anak. Pagkalipas ng ilang linggo, ang lahat ay naghahanda para sa kasal nina Daniel at Katerina, at nalaman ni Emily na ang Infinity Ring na hawak ni Katerina para kay Daniel ay ang parehong singsing na mayroon siya kay Marco sa nakaraan. Si Tomas ay pinagbawalan pagkatapos ng banta na bomba sa mansion ng Montenegro, ngunit binigyan ng espesyal na permit si Margaret na dumalo sa kasal. Si Daniel at Katerina ay sa wakas ay ikinasal na may isang engrandeng kasal sa Intramuros. Sa pagtanggap sa kasal, inanunsyo ni Margaret ang mga bagong posisyon para sa Montenegro Corporation, kasama si Emily bilang chief operating officer at Daniel bilang bagong pangulo ng kumpanya. Sina Daniel at Katerina ay gumugol ng kanilang hanimun sa San Francisco. Pagkatapos, umuwi ang mag- asawa na may kasamang bagong alak na gagamitin sa paglulunsad muli ng kumpanya. Ang negosyo ni Tomas ay nalugi at nais ni Miguel na ibalik ang kanyang pera, habang si Daniel ay may plano na ibagsak si Tomas. Sa Masquerade ball noong kaarawan ni Emily, binigyan ni Daniel ang kanyang ina ng sorpresang regalo sa pagsasama ng Montenegro Corporation at Guidotti Imports at ang pagbabalik ng Infinity Wine sa kumpanya, at nagalit si Tomas sa Montenegros at Katerina. Gayunpaman, napagtanto ng lahat na si Miguel ay buhay pa rin. Sa huli ay humarap si Daniel sa isang huling pag-aalitan kasama sina Miguel at Tomas, na kinidnap kina Katerina at Emily ayon sa pagkakabanggit. Gayunpaman, malubhang pinutok ni Miguel sina Katerina at Daniel at ang mag-asawa ay nagtapos sa ospital, ngunit dumating si Marco upang iligtas si Emily at pumatay kay Miguel sa pagtatanggol sa sarili. Sa huli ay namatay si Katerina sa ospital, at habang nagluluksa si Daniel sa kanyang libingan sa loob ng maraming araw, sinisisi siya ni Tomas sa pagkamatay ng kanyang kapatid na babae at pinatay siya, sa labis na pagdurusa nina Emily at Henya. Sa epilog, ang mga Montenegros ngayon ay nakatira magkasama sa asyenda ng Alcantara, kung saan iniisip nina Henya at Margaret na magkasama sina Daniel at Katerina sa kabilang buhay. Si Emily at Marco ay mayroong sariling sanggol, na nagngangalang Daniel. Si Nathan ay nakalaya mula sa psychiatric hospital at umuwi kasama ang kanyang pamilya. Si Tomas ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo at binisita nina Luisa at Johanna. Pagkalipas ng maraming taon, binisita ng mga bagong kapitbahay ang asyenda ng Alcantara sa isang pagtitipong Pasko kung saan nakilala ng batang si Daniel ang anak na babae ng mag-asawa na nagngangalang Catherine. Nagtapos ang kwento kina Daniel at Katerina na mabuhay nang masaya sa langit. II. III.Pagsusuri A. Uring Pampanitikan - ito ay isang melodrama o soap opera dahil magkahalo ang lungkot at saya. Ang dulang ito ay may malulungkot na mga pangyayari na halos ang mga pangunahing tauhan ay nalalagay sa bingit ng kamatayan (Noong binaril at binugbog ni Tomas si Daniel) ngunit sa bandang huli ay magtatagumpay din at nagwawakas sa kaligayahan. Ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. B. Dulog /Teoryang Pampanitikan- Sa tingin ko, isa itong teoryang realism sapagkat ito ay nagpapakita ng iba’t ibang storya ng buhay na masasabi kong nangyayari sa reyalidad. Nagkaroon ng iba’t ibang kulay ang pag-ibig na siyang naging pamantayan ng mga karakter. Nagkaroon ng iba’t ibang mukha ang paghihiganti na siyang mas nagpainit sa mga pangyayari sa teleserye. C. Estilo ng Paglalahad- Maganda ang naging estilo ng paglalahad sapagkat naging malinaw ang bawat eksenang nakapaloob sa kuwneto. Dahil sa kakaiba nitong paglalahad ay tila mas naging kapana panabik ang bawat eksena na nagreresulta sa pamalagiang pagsubaybay ng mga manunuod. Gumamit ito ng pagbabalik-tanaw na estilo na kung saan ay hayag na ipinakita sa eksenang iniisip ni Lola Henya kung paano napunta sa kanya si Daniel at kung paano ng aba sila nagkaroon ng hidwaan ng kapatid niyang si Margaret. Sa pamamaraang ito, mas naging malinaw at mas naging madalig maintindihan ang bagay- bagay na nangyayari sa kwento. E. Sariling Reaksyon

  1. Mga Pansin at Puna sa: a. Mga Tauhan- ang mga tauhan ay nagampanan nang maayos ang kanilang mga naging papel sa kuwento. Ang kanilang naging papel ay nakatulong sa kuwento para mas lumago pa ito at tangkilikin ng nakararami. Ang mga tauhan ay sakto lamang sa bilang na kung saan ay mas madali silang lahat na kilalanin at masubaybayan. Madali rin ang pag-alam sa kung sino ang masama at mabuting tauhan na hayag naman sa kanilang mga kilos sa dula. Ang mga tauhan ay epektibog naipamalas ang mga emosyon na talaga namang kapani paniwala. Mahusay silang lahat na mga tauhan sa kuwento. b. Istilo ng awtor- Epektibo ang istilo ng awtor sa paglalahad ng kanyang kuwento. Mahusay ang pagkakagamit sa istilong “balik-tanaw” dahil mas naging tulay ito para mas masisid ng mga manunuod ang tunay na dahilan sa likod ng mga makakabagbag-damdaming mga eksena. Tulad na lamang kung bakit may “psychological disorder” si Nathan. Upang mabigyang linaw ito, nagbalik tanaw ang magulang ni Nathan sa naging ugat ng pagkakarron niya ng ganoong sakit. Naging istilo rin ng awtor ang magbalik ng inakalang patay sa eksena. Tulad ng kay Emelie, Daniel at Jane. Silang tatlo ay inakalang patay na ngunit muling bumalik para sa isang

dahilan, ang maghiganti. Naging maganda naman ang resulta ng mga nasabing istilo na talaga namang nagpapatok sa nasabing teleserye. c. Galaw ng mga pangyayari : Naging maganda ang galaw ng kuwento sapgkat naging sistematiko ang daloy nito. Nagsimula sa kuwento ng unang henerasyon na kung saan ay nagkaroon ng pag-ibig na tatsulok na siyang naging dahilan ng hidwaan ng dalawang pamilya. Pagkatapos ay nagkaroon rin ng agawan sa pangalawang henerasyon na siyang sinundan ng mga anak nito. Sa ikatlong henerasyon mas tumutok ang mga eksena sapagkat dito malalaman kung matutulad ba ang kapalaran nila sa kapalaran ng nakaraan. Dito ipapasok ang paghihiganti at pagpapatunay na ang pag-ibig, magpahanggang wakas, ay mananatiling pag- ibig. Nagandahan ako sa galaw ng mga pangyayari sapagkat mas naging madali ang pagkakaintindi sa kuwento at mas nasubaybayan ko ang paglago ng bawat karakter.

  1. Bisang Pampanitikan a. Bisa sa Isip- Hindi lahat ng pagkakataon ay aayon ang swerte sa buhay natin. Minsan darating ang pagkakataon na matutumba tayo at walang taong aantabay sa atin para makatayo. Kaya anuman man ang mangyari, manatiling mabuti sa kapwa, para pag tayo ay mangailangan, mero tayong malalapitan at makakapitan. b. Bisa sa Damdamin- Nakakalungkot. Sapagkat wala namang masama sa pagkakaroon ng minamahal. Wala namang mukha ang pag-ibig. At walang dapat maging basehan ito. Ngunit nakalulungkot na ‘di ganito ang realidad. Nagmahal lang naman ang mga karakter sa kuwent. Ngunit tila ayaw pagbigyan ng pagkakataon. c. Bisa sa Kaasalan- Manatiling malakas anuman ang kahaharaping pagsubok at ‘wag basta- bastang susuko gaano man kahirap ang laban ng buhay dahil sa huli’t huli’y makatatanaw rin ng bagong umaga. Umagang handing umayon sa pangarap at kagustuhan natin. PAGTATASA Panuto: TAMA O MALI : Isulat ang Tama kung ____T___ 1. Ang dula ay higit na naiiba sa lahat ng anyo ng panitikan sa kadahilanag nangangai- langan ng maraming masining na tagapagsalin nito sa tanghalan, gaya ng direktor, mga artista,mga manunugtog at mga tagadisenyo ng mga telon. ____T___ 2. Ang pinakapangunahing layunin ng dula ay ang maitanghal sa tanghalan.

____T__ 3. Isa sa dula ay ang trahekomedya na gumagamit ng mga marangyang kakatuwang

eksena upang ilarawan ang isang di-totoo o kakatuwang pangyayari. _____M___4. Ang banghay ay malimit itumbas sa sanaysay ngunit malimit ihambing sa pagsasaayos ng dula ng mandudula. ____T____5. Ang usapan ng mga tauhan sa isang dula ay may kahalong mga kumpas at tagpuan kung saan sila nag-uusap.